Una rito, sinasabing tinanggihan ni Reid ang naturang fan na nais sanang magpa-picture. Dahil dito, idinaan ng nagngangalang Inah Evans sa Facebook ang tili pagka-turnoff nito sa idolo lalo't kulang na lang daw ay mag-sex sila ni Julia sa harap niya. "...he's so occupied kissing and flirting Julia Barretto that time...Kulang na lang kasi magsex sila sa harapan namin," bahagi ng himutok ng nasabing fan.
Nabatid na matagal nang nali-link sina James at Julia ngunit pareho nilang itinanggi ito sa mga nakaraang interviews. Vocal din si James sa pagsasabing wala silang real-life romance ng kanyang ka-love team na si Nadine Lustre.