LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Glen Sibonga Naniniwala si Janella Salvador na hindi pa katapusan ng loveteam nila ni Marlo Mortel, kahit pa nga itatambal na ang young actress ngayon sa bagong Kapamilya na si Elmo Magalona. Sina Janella at Elmo kasi ang magiging magkapareha sa bagong ABS-CBN teleserye sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang Born For You. Natanong nga namin si Janella kung ano ang kanyang reaksyon na sa bago niyang teleserye ay hindi muna sila ni Marlo ang magkasama? “I think for a while lang naman ito. I’m happy din naman to be trying something new, something fresh, and even Marlo is happy for me naman. So, sana pati yung fans maging happy,” sabi ni Janella. Pero hindi naman itinago ni Janella ang kanyang excitement sa pagtatambal nila ni Elmo. “Natuwa naman ako, as in I feel good that I get to work with someone fresh, and hindi ko pa siya nakaka-work before. Tapos sobrang kaka-meet lang namin. And I’m excited nga sa music angle because both of our parents are musical people. So, I’m excited to talk about everything.”
Anak si Elmo ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona, habang singers din ang parents ni Janella na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador. Ano naman ang dating ni Elmo sa kanya? “He’s like a very nice guy talaga, parang gentleman naman siya. We haven’t talked that much e.” Cute ba si Elmo para sa kanya? “Of course, he is naman, yeah.” LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|