LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Lourdes Fabian NILINAW ni JC de Vera noong Miyerkules ng gabi sa Tonight With Boy Abunda nang mag-guest sila ni Jessy Mendiola ang estado ng relasyon nila ngayon. Diretsahan niyang sinabi kay Boy Abunda na wala siyang balak na ligawan si Jessy and that he is just enjoying their time together. "Siguro kasi maraming nagtatanong tungkol diyan kasi nakikita nila onscreen, nagtra-translate po talaga ang chemistry at nakikita nila ang happiness naming dalawa sa mga ginagawa namin, nage-enjoy nang sobra-sobra," katwiran ni JC kay Kuya Boy. Aminado si JC na mas feel niyang ka-date ang mga non-showbiz women. Umugong ang balitang may namamagitan na sa dalawang stars ng You're My Home dahil sa madalas na pag-post nina Jessy at JC ng mga larawan at video nilang dalawa sa kani-kanilang Instagram account.
Very honest naman si Jessy sa pag-amin na malaki ang naitulong ni JC para mabilis siyang makapag-move on sa kontrobersyal na hiwalayan nila ng ex-boyfriend na JM de Guzman. Ang daming revelations na kaabang-abang sa finale ng You're My Home, which also stars Dawn Zulueta and Richard Gomez kaya naman hindi ka talaga bibitiw sa panonood. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|