LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Noel Asinas MAKIKIUSO sa pagpapakilig sa pelikula ang tambalang Jerald Napoles at Valeen Montenegro sa naiibang romantic-comedy na isinulat at idinirek ni Dominic Lim, ang The Write Moment. First directorial job ng director ang movie at nag-iisang romantic-comedy film na entry sa QCinema International Film Festival 2017 na itinanghal noong Oct. 23 hanggang Oct. 28. Unang tambalan sa pelikula nina Jerald at Valeen, pero sa telebisyon ay napapanood silang dalawa na nagkukulitan sa top rating GMA 7’s Sunday Pinasaya. Nakilala si Jerald sa super hit musical play na Rock of Aegis, samantalang si Valeen ay kilala ngayong comedienne ng no.1 gag show sa bansa, ang Bubble Gang. Ang The Write Moment ay may kakaibang twist at di pangkaraniwang romantic-comedy na napanood natin. May personal touch ang istorya sa buhay ng director ng movie. Naging hopeless romantic din siya sa tunay na buhay. Namnam na namnam ng director ang makulay na love story niya sa pelilkula. Ang 29-year-old director ay graduate ng collegiate course sa Ateneo de Manila University. Sadyang hilig ni Direk Dominic na maging story teller sa pelikula kaya kinailangan muna niyang mag-tapos ng scriptwriting and filmmaking courses bago sumabak sa directing. Siya’y trained under the Cine Panulat Screenwriting Lab of Jun Robles Luna. Ang The Write Moment ay produced ng Ideafirst Company (nina direk Jun Robles Lana at direk Percy Intalan) in partnership with CMB at ng Quezon City Film Development Commission.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|