LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Mildred Bacud
Naniniwala ang mga netizens na si Vice Ganda ang pinapasaringan ni Joey de Leon sa kanyang previous tweets. Nag post ito ng, “Like love, ang career ay hindi minamadali.
Ang minamadali na karera ay sa kabayo.” Nasundan pa ito ng, “I repeat wag madaliin ang career treat it like love. Wag itulad sa karera ng kabayo tapos agad #AldubkeytoForever.”
Alam naman sa showbiz na kinukumpara ni Vice ang sarili sa kabayo kaya malamang daw na pasaring ito kay Vice. Last week kasabay ng Philippine Arena ng Eat Bulaga ay nagsalita si Vice sa It's Showtime at sinabi nitong hindi naman talaga nila matatalo ang Eat Bulaga. Naroon lamang sila para magpasaya. Marami naman ang nayayabangan sa mga tweets ni Joey na imbes daw maging humble ay mahilig pa itong magparinig kaya naman ang mga bashers niya ay inungkat maging mga mali daw niya in the past. Sagot na lamang ni Joey sa kanila patungkol sa success ng AlDub ay, “Wag niyong panoorin!” LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|