LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni John Fontanilla Ayaw na lang daw pansinin ng mahusay na singer ang mga taong nang iintriga sa paglipat niya sa Kapamilya Network. Kamakailan ay ipinakilala ito sa presscon ng teleseryeng, ‘We Will Survive’, kung saan inawit niya ang theme song nito bilang bagong Kapamilya. Tsika nga ni Jonalyn aka Jona na naging maganda naman ang paglipat niya sa ABS CBN dahil nagpaalam sila ng kanyang manager na si Arlene sa pamunuan ng GMA nang maayos bago nag ober da bakod.
Alam naman daw nito na di magiging masaya ang ibang tao sa naging desisyon nilang paglipat sa ibang TV network. Pinaratangan pa siyang walang utang na loob sa GMA, pero pasasalamat naman daw ang gusto nitong iparating sa mga taong happy sa kanyang pagiging Kapamilya artist. Thankful daw si Jona sa mainit na pagtanggap ng Kapamilya at abangan na lang daw ng kanyang mga supporters ang kanyang mga magiging proyekto sa Dos bukod sa pag awit sa theme song ng ‘We Will Survive’ at guesting sa iba’t ibang shows ng ABS CBN. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|