LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Sa tagumpay na tinatamasa ng Koreanang si Sandara Park sa kanyang bansa at maging sa labas nito, walang mag akalang kinakailangan pa niya ng tulong ni Joross Gamboa para siya makahanap ng karelasyon. Nagkita sa Thailand ang nauna nang naging magkaibigan nang magkasama sila sa Star Quest ng ABS CBN. Pareho silang may commitment dun kaya hindi mahirap na magkita sila. Dun nasabi ni Sandara kay Joross na tulungan siyang makakita ng boyfriend dahil matagal na siyang single. It seems na hindi na napalitan ang mga local Pinoys na naging bahagi ng kanyang buhay noong naririto pa siya, tulad nina Joseph Bitangcol at Hero Angeles. Sa kanyang kaabalahan sa kanyang pamosong grupong 2NE1 ay wala na siyang panahon na magpaligaw kaya nagpasaklolo siya kay Joross na nangako namang tutulungan siya.
Ni Veronica Samio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|