LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Favatinni San HUWAG nang umasa, wala namang producer ang maglalakas-loob na gawan ng pelikula sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. Pinag-usapan ang pagsasama nila sa isang endorsement kaya natanong ang dalawa kung pwede silang magsama sa pelikula. Pero, pangarap na lang o ilusyon ng mga fans ito, dahil si Juday ay masaya na sa piling ni Ryan Agoncillo. Although pampelikula lang ang tambalang Juday-Piolo, e, mayroon ba namang kikiligin? Si PJ naman ay kailangan hanapan ng magandang role dahil di na siya bata. Isa pa, may binitawang salita ang former manager ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo, anya, "Over his dead body, di ko papayagang matuloy ang pagsasama ng dalawa!" Well, kahit si tito Alfie ay namamahinga na, siya pa rin ang nagwagi!
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|