Ani Julie Anne sa last taping day ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, “Gusto ko munang magpahinga sa madalas na pag-iyak. Very intense ang mga eksena ko, minsan nadadala ko sa bahay ang character ko.”
Sabi ng program manager ng PKLSL na si Ms. Ali Dedicatoria, “Magtatapos ang soap na mataas ang ratings kaysa sa kalabang programa.”
Magandang image ito ng show bukod pa sa hanggang one season lang talaga ang programa dahil hango ito sa isang pelikula. Ayaw naman ng network na lumihis ang PKLSL sa original story ng pelikula. Ang movie version nito ay tinampukan nina Lorna Tolentino bilang si Santina at si Maricel Soriano bilang si Angeli.
Sa pagtatapos ng soap na PKLSL ay talagang maraming aabangan! Paano magkikita muli sina Santina at Ephraim? Paano babalik muli sa tamang pag-iisip si Epharaim? Ano ang mangyayari sa ibang characters lalo na kay Angeli na role ni LJ Reyes?