LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Hindi kami pumupuri sa column namin. Iniiwasan namin kasing mabahiran ng kakaibang kulay ang bawat komento na aming sinusulat. Pero, sa pagkakataong ito ay nais naming hangaan ang baguhang brand endorser na si Karl Aquino dahil sa isang simpleng dahilan, bukod kasi sa may talento sa pagsasayaw ang binata ay pinalaki ito ng kanyang mga magulang na magalang at may respeto sa kapwa at ito marahil ang dahilan kung bakit hindi nagdalawang isip ang kaibigan naming si Jim Acosta na gawin siyang endorser ng Olive-C cologne spray. Contestant pa lang si Karl sa Mr & Ms Olive-C Campus Model Search ay kinakitaan na namin ng kakaibang karisma ang bata partikular na noong mga panahong nag-gi-guest siya sa aming programa sa DZRH. Bukod kasi sa napakanatural niyang sumagot sa mga katanungang ibinabato sa kanya ay mararamdaman mo ang kababaan ng kanyang loob na punong puno ng paggalang at sinseridad. Ewan pero sa totoo lang, may dalang kung anong karisma si Karl na siyang dahilan kung bakit sa tuwing sasampa ito sa mga entablado sa mga provincial shows ay pinagkakaguluhan siya hindi lang ng kanyang mga ka-edad na bagets kundi pati ng mga nanay na naaaliw sa kahusayan niyang magsayaw. Si Karl ay ilan lang sa sanlaksang kaluluwa na gustong magkaroon ng pangalan sa showbiz world pero ang problema ay wala siya sa bakuran ng mga higanteng TV network para tuluyang mapansin ang kakayahan niyang maging isang malaking star pero dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Olive-C by Psalmstre ay tiyak na higit na makakaagaw ngayon ng pansin ang binata sa publiko lalo pa at taglay niya ang katangian ng isang future matinee idol. Pwede nang irampa si Karl sa hanay nina Daniel Padilla at James Reid kung mabigyan ng magandang break sa showbiz. Iyan ay sa totoo lang po. Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|