LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Timmy Basil NAGTAPOS na ang teleseryeng "Pangako Sa ‘Yo" pero ilang araw bago magtapos ang PSY ay nakausap muna ng press ang halos lahat ng cast ng nasabing teleserye. Tanging si Angelica Panganiban lang ang wala. Nagkaroon kaagad ng speculations na baka kaya hindi sumipot si Angelica ay dahil takot itong matanong tungkol sa napabalitang hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz pero maya-maya ay sinabi ng host na si Jai Ho na nasa taping pala si Angelica ng Banana Sundae.
Sweet na sweet sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (mga bida) dahil panay ang holding hands nila, at manhid na lang siguro ang hindi makaka-gets na may something talaga sa kanila. Tinanong sila kung ano ang dream wedding nila. Ang gusto ni Kathryn, isang beach wedding kungsaan 30 lang sila sa isang island, very private at very simple lang. Magkaiba sila ni Daniel dahil ang gusto ng aktor, isang church wedding at imbitado lahat ang kanyang mga tagahanga, lahat enjoy, party-party. Hmmmm...magkasalungat ang kanilang dream wedding, huh. Kung magkakatuluyan sila, kaninong dream wedding kaya ang masusunod? 'Yung kay Kathryn or yung kay Daniel? Mas feel ko yung kay Daniel. At least, kahit sa kanyang kasal, mga fans pa rin niya ang kanyang iniiisip. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|