Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


KATHNIEL, TAMPOK SA YES! 100 MOST BEAUTIFUL STARS 2017

7/26/2017

Comments

 
Ni Glen Sibonga
​​Puno ng pasasalamat sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa sunud-sunod na blessings na natatanggap nila ngayong taon. Kasama na riyan ang blockbuster hit movie nilang Can’t Help Falling In Love under Star Cinema, ang pagkahirang sa kanila bilang Box-Office King and Queen sa Guillermo Box-Office Entertainment Awards dahil sa tagumpay sa takilya ng pelikula nilang Barcelona: A Love Untold noong isang taon, at ang kanilang matagumpay na pagbabalik sa primetime TV sa pamamagitan ng pinagbibidahan nilang toprating ABS-CBN teleseryeng La Luna Sangre.
Ngayon ay may panibagong blessing na namang dumating sa kanila dahil sila ang napili ng Yes! Magazine para maging cover ng 11th year special issue ng inaabangang Yes! 100 Most Beautiful Stars 2017. Pangalawang beses na ito ni Kathryn dahil nauna na siyang mailagay sa cover noong 2013 kasama si Julia Montes. Ngayong taon ay ang loveteam naman nila ni Daniel ang bida sa cover.
Picture
Labis ngang ina-appreciate nina Kathryn at Daniel ang blessings na ito. Ani Kathryn, “Sobrang saya. Sino bang hindi matutuwa sa lahat ng nangyayari ngayon? Kasi nag-start yung year na ito with a movie po, tapos yung La Luna, tapos ngayon naman eto ngang Yes. Grabe yung saya namin, hindi lang kami kundi pati yung buong team namin na naghihirap para sa loveteam namin at para sa fans din. Puro pasasalamat lang talaga kasi hindi naman din kami nag-e-expect. Basta kung ano yung mangyari, kung ano yung ibinigay sa amin, masaya kami doon. And ngayon na sobra-sobra yung dumadating, sobra-sobra din yung saya namin.”
Dagdag pa ni Daniel, “Siyempre, hindi lang naman ito basta ibinigay sa amin, di ba? Lahat naman iyan ay galing din sa hard work namin ni Kathryn at sa tulong at suporta na rin ng aming mga fans. Malaking honor po na maging cover kami ng 100 Most Beautiful Stars. Very thankful din kami na ang serye namin ay talagang, sabi nga nila, kinakagat ng mga tao. Very thankful kami sa taon na ito dahil hanggang ngayon nandiyan pa rin ang mga fans para sumuporta sa amin. Kami naman po ay patuloy na gagalingan ang lahat ng mga ginagawa namin ni Kathryn.”
Sino pa ang ibang stars na pasok sa special issue na ito? Alamin sa Yes Magazine’s 100 Most Beautiful Stars 2017, na mabibili sa newsstands, bookstores, at supermarkets nationwide.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved