LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Noel Asinas TAKOT nang umibig muli si Katrina Halili. Ilang taon na simula nang hiwalayan nila ni Kris Lawrence. Career muna ang kanyang inaasikaso. Nagbunga naman dahil may bagong programa siya, ang D’Originals, na magsisimula sa April 17 bilang kapalit ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Ang D’ Originals ay ang bagong pinakakwelang soap ng GMA 7 na bubulabog sa mainit na hapon. Siyempre, may drama ding matu-tunghayan dahil bida rin ang award-winning actress na si Jaclyn Jose. Riot sa katatawanan ang handog ng GMA Afternoon Primetime. Kasama sa cast sina LJ Reyes, Mark Herras, Meg Imperial, Kim Domingo, Jestoni Alarcon, Lovely Abella, at iba pa. Ani Katrina, “Nanibago ako sa mga eksena ko sa D’Orginals noong una. Di naman ako nakasama sa mga programang comedy ng network. Ibinibigay sa aking role ay punumpuno ng drama. Madalas kontrababida ako. Pero, happy ako sa network na nagbigay ng pangalan sa akin at hanggang ngayon ay sumusuporta sa career ko.”
Matagal nang pangarap ni Katrina na magkaroon ng programang mala-comedy. At ngayon sa bagong programa niya ay matutupad naman na. Nakaka-drain kung minsan ang sobrang drama. Minsan di siya makatulog agad. Naiisip niya ang character na ginagampanan niya hanggang sa bahay. Remember ang Destiny Rose ni Katrina? Grabe ang ginawa niyang mga eksena sa soap na iyon. Tungkol sa love life ni Katrina, ayaw pa rin niyang mag-entertain ng suitors. Happy siya na kasama niya lagi ang only daughter na si Katie. Kung may free time silang mag-ina, madalas silang magbonding out of town para magbakasyon. Minsan isinasama niya si Katie sa taping. Dinadalaw naman madalas ng amang si Kris si Katie. Kahit ang nanay ni Kris ay pumupunta sa bahay ni Katrina para makita ang apo. Pinapayagan naman ng actress na lumabas ang mag-ama para sa kanilang bonding. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|