LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Noel Asinas NAGULAT ang press people nang dumating sa set ng Destiny Rose si Ken Chan. In character kasi siya as in 'babaeng-babae' siyang dumating sa set at humarap sa press bilang lead star ng Destiny Rose, ang number 1 afternoon soap opera ngayon ng GMA 7. ![]() Total transformation ang ginawa kay Ken, suot babae, make up babae, may boobs, shoes na pambabae, lakad babae, at boses babae talaga. Maraming nagsasabing press na siya’y kahawig din nina Katrina Halili at Rachelle Ann Go. Super gandang babae at hindi mahahalatang transgender. Dahil sa galing ng pag-arte ni Ken, nagbubunyi ang buong production staff ng Destiny Rose dahil na extend na agad sila ng two months airing. Dati’y January ay tapos na dapat ang showing. Pero, as of now ay binigyan ng go signal ng GMA 7 na tumagal sa ere ang Destiny Rose till March 2016. Dalangin lahat sa set ng tumagal pa sila ng more than one year. Tulad nang tinatamasa ngayon ng The Half Sisters na isa’t kalahating taon na sa ere. Ayon kay Ken, total sacrifice lahat para sa kanya ang pagtanggap ng role na Destiny Rose. Hirap siya sa regular training para sa tamang pagkilos, paglalakad, pagsasalita, at pag-uugali bilang isang babae. Lalo na kapag ini-execute ang mga romantic scenes niya sa dalawang leading men niyang sina Jeric Gonzales bilang si Vince na kababata niya at si Fabio Ide bilang si Gabriele na matagal na niyang hinahangaan noon pa sa industriya. Lahat ng eksena nilang gagawin ay nire-rehearse nang husto ni direk Don Michael Perez para hindi awkward tingnan since parehong lalaki ang gagawa ng eksena. Babae kasi rito talaga si Ken sa eksena. Sa istorya, mapapanood na ang tunay na sampalan nina Katrina at Ken. Nagseselos na si Katrina kay Ken. Di na siya pinapansin ni Fabio sa istorya. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|