LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Morly Alinio Nakakaloka as in nakakabaliw ang isang sikat na aktres dahil parang gumaya na ito sa kanyang ate in showbiz na mas kilala at sikat sa kanya dahil nitong huli ay kapansin-pansin ang kanyang pagiging ngongo hindi lang sa pagsasalita maging sa pagbabato niya ng dayalogo. ![]() Noong una ay hindi pansin ang pagiging ngongo ng aktres dahil madalas nitong sinasabi na siya ay sinisipon lang kaya may problema sa pagsasalita pero kinalaunan ay napansin ng lahat na biglang tumangos ang kanyang ilong na animo ay hinulma ito na malayong malayo sa original niyang ilong. Ang sabi, nagpagawa daw ng ilong ang magandang youngstar sa doctor ng isa pa ring kilala sa showbiz world na kung titignan mo ay para bang laging tutumba dahil sa sobrang kapayatan. Ang aktres na may bagong pagawang ilong ay may ka-loveteam at isa siya sa itinuturing na number one youngstar ng bansa. Bigay ko pa ba ang clue? Well, may kamukha siyang kapwa niya youngstar na kinaiinisan ng kanyang ina. Hahahahahahaha, yun na! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|