LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Lourdes Fabian NOONG Huwebes (March 10) ang last taping day ni Kris Aquino para sa kanyang daily morning program na Kris TV. Nagpaalam na si Kris sa ABS-CBN na naging home network niya sa loob ng 20 taon. Kris made the announcement on her Instagram at nilinaw niyang ang dahilan ng kanyang desisyong lumayo muna sa showbiz ay para pagtuunan ng pansin ang kalusugan niya. Kris almost had a stroke last year 2015 due to her hypertension. Katwiran ni Kris, hindi niya puwedeng basta balewalain ang ganitong pangyayari sa kanyang kalusugan. Matalino si Kris kaya alam niyang ang pagtaas ng kanyang blood pressure ay dahil sa tuluy-tuloy na pagtatrabaho, na nati-trigger dahil sa sunud-sunod na puyat sa trabaho. Sa kanyang pinakahuling post, inamin ni Kris na napaiyak siya habang binabasa ang mga comments and texts from her friends and supporters.
Sa huling post kaugnay ng kanyang anunsiyo, sinabi ni Kris na mananatili siyang “working mom”. Sinabi niyang excited na siyang pagtuunan ng pansin ang kanyang fastfood franchise. Doon muna itutuon ni Kris ang kanyang atensyon habang nagpapahinga sa showbiz. Mahirap basta tanggalin sa system ng isang tao na tulad ni Kris na 20 years of her life ay nasa limelight siya. Mas naniniwala akong pansamantala lamang niyang iiwan ang showbiz and after three months ay heto at may bago na uling proyekto ang ABS-CBN na i-o-offer sa kanya na muli ay hindi niya matatanggihan dahil mahal niya ang entertainment world na nagmahal din naman talaga sa kanya dahil sa di matatawarang kontribusyon niya sa industriya. Sa March 23 ang last airing ng kanyang Kris TV kaya simula sa Lunes, March 28 ay hindi na exciting ang umaga ng maraming Kris TV fanatics dahil wala ng chance na muli nilang makita ang magagandang bahay ng mga sikat na celebrities na binibisita ni Kris. Hindi na rin sila mabubusog sa daily foodtrip ni Kris with Darla Sauler and her guest celebrity. Sa totoo lang, mas enjoy ang maraming fulltime mom na gumawa ng household chores habang pinapanood si Kris dahil nagiging very light and easy ang buhay kapag napapanood mo siya sa TV. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|