LIKE OUR FACEBOOK PAGE
MATAPOS ang sunud-sunod na post sa kanyang Instagram account simula noong Martes ng gabi ay para na ring kinumpirma ni Kris Aquino noong Miyerkules, October 7, na hindi na siya matutuloy sa pelikulang pagsasamahan sana nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival, titled All You Need Is Pag-Ibig, under Star Cinema.
![]() Martes ng gabi nag-post si Kris tungkol sa pagba-back out niya sa isang pelikula dahil hindi napagbigyan ang isa niyang hiling—na makatrabaho ang kanyang cinematographer, na hindi raw available dahil sa conflict sa schedule. Hindi tinukoy ni Kris kung ano ang pelikulang ito pero alam na naman ng marami na ang kasunod na pelikulang gagawin niya pagkatapos ng Etiquette For Mistresses, ay ito na ngang movie nila ni Mayor Herbert. Sa isang post ni Kris ay naglagay siya ng mensaheng.... “I’m a jerk. I’m sorry…” ![]()
May caption ang nasabing post ni Kris at naka-tag sina Malou N. Santos, managing director ng Star Cinema; Kriz Gazmen; creative writer ng All You Need Is Pag-ibig; at si Antoinette Jadaone, na siyang direktor dapat ng nasabing MMFF movie.
Sabi pa ni Kris sa caption: “I'm sorry for the stress I put you through, the many wasted hours working on the project, and all the effort you exerted... I was wrong to commit to something that in all honesty, I am emotionally, physically & mentally not ready for...” Inilagay din ni Kris ang hashtags na #hiyanghiya at #IAmSorry sa nasabing caption. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|