LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Mylene Santos Sa kolum ni Ricky Lo sa The Philippine Star noong Pebrero 25 lumabas ang interview kina James Yap at current gf nitong si Michela Cazzola. Sa nasabing panayam, inamin ng dalawa na limang buwang buntis na si Michela. ![]() Kaugnay dito, tinanong si James ng isang local entertainment portal kung alam na ng ex-wife niyang si Kris Aquino at ng anak nilang si Bimby ang pagbubuntis ni Michela. Ani James, “Di niya alam. Ngayon alam na niya, lumabas kay tito Ricky.” Di naman ligtas si Kris sa mga tanong sa social media kung ano ang reaksyon niya sa pagbubuntis ng Italian gf ni James. Ayon kay Kris, “The proper thing for me to do is just keep quiet. Bimb’s okay and that’s what matters to me.” Samantala, nagpapasalamat naman sina James at Michela sa ilang kaibigan nila na alam ang pagbubuntis ni Michela pero nanatiling nirespeto ang kanilang privacy at hinintay na lamang ang pagkakataong handa na sina James at Michela na maglahad sa publiko. Pangako naman ni James, magpapaunlak sila ng mga kasunod na interviews kapag handa na sila. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|