LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Veronica Samio Walang maniniwala na dating may relasyon sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Ganun pa rin ang trato nila sa isa't isa sa ginagawa nilang teleserye sa GMA na Hahamakin Ang Lahat. Attentive pa rin sila sa pangangailangan ng isa't isa lalo na si Kristoffer kay Joyce. Hindi mo mapapaniwalaan na may bago nang karelasyon ang young actor sa concern na ipinakikita niya sa kanyang kapareha. Wala rin silang pagtutol at ilangan sa mga eksena nilang magkasama, maski na yung mga kissing scene nila. Pero, talagang friends na lamang sila. Ang concern nila ay parang sa magkaibigan na lamang at kuntento na sila sa sitwasyon nila.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|