LIKE OUR FACEBOOK PAGE
MARAMING factors kung bakit nagtatagal at nananatiling top rating ang "FPJ's Ang Probinsyano" ni Coco Martin. Unang-una, bawat episode ay may natututunang aral ang mga bata. Pangalawa, updated ang mga ipinapalabas na mga kuwento sa kasalukuyang nangyayari sa lipunan at ang para sa akin, napakahalaga ng kanilang "Ligtas Tips" na palaging pinapaalala ni Coco. Mga babala upang hindi tayo mabiktima ng ano mang sindikato. Sa tingin ko, sa lahat ng Ligtas Tips na naibahagi ni Coco, dapat pakatutukan nang husto lalong lalo ng mga magulang at mga anak ang tungkol sa party drugs na sinasabi na ang lugar ng kasiyahan ay pugad din ng mga droga at mga kawatan. Ang mga paalala ni Coco: kung hindi talaga maiiwasang gumimik, siguraduhing mahigpit ang seguridad sa lugar na gigimikan, siguraduhing may kasama ang inyong anak lalo na kung babae ito, alamin kung saan gigimik ang inyong anak at kung sinu-sino ang mga kasama at contact numbers ng mga ito . Sa lugar ng gimikan, huwag na huwag kang magpapakalasing dahil ikaw ang puntirya ng mga nagbibigay ng party drugs. Mag-ingat sa iniinom at kinakain mo, kung may napansing kahina-hinala, huwag nang ituloy ang pagkain at pag-inom. Huwag na huwag kang ma-curious o ma-engganyo na gumamit ng party drugs. Kung may mapapansing palitan o bentahan ng party drugs, umalis agad at ipagbigay alam sa pulisya.
Puspusan ang kampanya ng bagong gobyerno para masawata at masugpo ang mga nagbebenta at nagpapakalat ng party drugs. May mga nahuli na at isa na nga rito ay ang DJ na si Karen Bordador pero sa tingin ko, ice break pa lang ito, may mga party drugs pa rin na inilalako sa mga gimikan na pangmayaman dahil mayayaman lang naman talaga ang kayang bumili nito dahil ubod ito ng mahal. Saludo ako sa Ang Probinsyano at tiyak , sa kanilang Ligtas Tips, maraming buhay ang kanilang naililigtas. Ni TImmy Basil LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|