LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Lourdes Fabian INULAN nang kantiyaw si Luis Manzano ng ilang followers niya sa Twitter kaugnay ng katatapos lang na Star Awards for Music & TV: The Fusion Of Philippine Entertainment’s Best — ang sanib-puwersang pagbibigay-parangal sa 8th PMPC Star Awards for Music at 30th PMPC Star Awards for Television. Mapapanood ang two-in-one awards night sa ABS-CBN Sunday’s Best sa Nobyembre 20, 2016. Parehong nasa stage sina Luis at Jenn nang magbigay ng speech ang Kapuso Ultimate Star na siyang nanalong Best Actress para sa kanyang mahusay na pagganap sa GMA Telebabad series na My Faithful Husband. Halata sa reaction ni Luis na nailang siya pero kinilig nang iabot sa kanya ni Jenn ang microphone na hawak hawak niya after the speech. Nagtilian ang audience sa Novotel nang magharap ang ex-lovers sa stage na parang eksena sa pelikula. Pareho silang winner ng gabing iyon. Si Luis ang tinanghal na Best Game Show Host, Best Talent Show Host, Best Male TV host at siya rin ang nag-uwi ng Star of the Night award.
Mariing itinanggi ng TV host-actor ang pangangantiyaw ng kanyang social media fans. Ang tatlong awards na napanalunan niya sa Star Awards at isa pang special award ang dahilan ng pagiging masaya niya. May Jessy Mendiola na nga naman si Luis habang may Dennis Trillo na si Jenn kaya pareho nang happy ang ex-lovers! Very proud si Luis sa maayos na takbo ng career ni Jessy na sunud-sunod din ang mga proyekto ngayon. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|