LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Noon, mabanggit lang ang pangalang Carla Abellana, ay agad na nagsasalubong ang kilay ng magaling at mabait na director na si Gina Alajar. At ang dahilan, feeling ng butihing director ay “naapi” ang kanyang guwapong anak na si Geoff Eigenmann dahil sa ginawang pang iiwan ni Carla dito. Kung matatandaan naging isyu sa showbiz world ang biglaang pakikipagkalas ni Carla kay Geoff in favor of Tom Rodriguez. Walang kaalam alam noon si Geoff na ang kanyang kasintahang si Carla ay may bago nang pag ibig at ito ay si Tom na nakasama ng aktres sa isang teleserye noon sa GMA.
Pero dahil sa pagiging makatao at totoong tao ni Gina, ipinakita man niya ang kanyang sama ng loob, ni minsan naman ay hindi ito nagsalita nang laban sa dalaga at sa halip ay ipinagkibit-balikat na lang niya ang lahat. After almost 2 years ay naka-move on na si Geoff sa ginawa sa kanya ni Carla at nakatagpo na ito muli ngayon ng isang bagong pag ibig sa katauhan ni Angelie Mae Flores na mas kilala bilang Maya na isang singer. At ayon kay Geoff, ngayon ay bukas na raw siya na muling makasama ang dating girlfriend na si Carla sa anumang project. Forgive and forget na lang daw ang nakaraan dahil ang importante ay pareho na raw silang masaya sa mga mundo nilang ginagalawan. Huh! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|