LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Veronica Samio Tama lang ang ginawa ni Maine Mendoza na pagpapakumbaba kay Julie Anne San Jose nang makita niya ito sa dressing room ng Sunday PinaSaya na kung saan ay nag-guest siya. Nilapitan ni Maine ito, niyakap at humingi ng dispensa sa ginawang pamba-bash ng mga fans niya dito na na-threaten dahil sa ginawa ng direktor ng show na pagbubulgar diumano sa relasyon ng singer sa kapareha ni Maine na si Alden Richards. Hindi lang pala nagkaintindihan ang direktor sa kumausap sa kanya, na naayos na naman, pero gusto pa rin siyang ipatanggal ng AlDub nation sa Sunday show bilang parusa sa ginawa nitong gulo.
Una nang nalink sina Julie Anne at Alden na itinanggi ng aktor kaya nagkaro'n ng gulo sa pagitan nila ni Julie Anne na hindi pa naaayos hanggang sa dumating ang ikalawang insulto na muling nagbigay ng problema kay Julie Anne na feeling ng mga AlDub followers ay nagsisilbing threat sa magka-loveteam. Naayos na naman ang lahat, salamat sa kind gesture ni Maine matapos ang sunod na pagbabalandra ng mga kalaban niya ng mga paninira sa kanya. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|