LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Mukhang walang kapupuntahan ang hinihintay na pagpapakita ng propesyonalismo ni Maja Salvador para sa isa niyang movie na ginawa para kay Sen. Jinggoy Estrada na Tatay Kong Sexy. Magdadalawang taon nang tapos ang movie pero, nabalam ang pagpapalabas nito at ngayon lamang napagpasyahang ipalalabas ito at isasabay na rin sa Father's Day celebration. Ini-snob ni Maja ang imbitasyon na daluhan niya ang premiere night ng pelikula. Never din siyang nakitang nag-promote ng movie. Marami ang nanghihinayang dahil maganda ang performance niya sa movie. Kahit matagal na ang movie ay dapat lang niyang i-promote ito. Obligasyon niya yun!
Ni Veronica Samio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|