LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Favatinni San SA mga katulad ko na may karamdaman sa puso, bagay manirahan sa bayan ng El Nido. Keber kung inaabot ng limang oras na land travel. Sulit naman ang malalanghap mo na sariwang hangin. Masarap maligo sa dagat at pawang sariwa ang lamang-dagat. Napuntahan din namin ang Nacpan Beach malayo nang ilang kilometro sa El Nido at kapansin pansin ang isang isla. Natanong namin sa mga naninirahan sa paligid ng Nacpan Beach kung sino ang nagmemey-ari nito. Mabilis ang tugon, "Si Senador Manny Pacquiao.” Ang haba haba ng beachfront, isa itong malaking isla at may tsikang ang mga nagbabantay ay mga sundalo. Kung sabagay, may financial adviser si Manny kaya't properly invested ang kanyang mga kinikita. May mansyon siya sa Amerika, bahay sa Forbes Park, bahay sa Nuvali, Sta. Rosa City, Laguna, bahay sa Paranaque City, sa General Santos City at 'yun building sa Paquita. Sa pagboboksing yumaman talaga ang dating panadero.
Balik sa mala-paraisong lugar na napuntahan ko, malaki ang iniunlad ng Palawan kaya't nagboom ang mga construction business gaya ng mga subdivision, resort, hotels at iba pang recreational facilities. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|