LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Timmy Basil Matagal na sa industriya si Maricel Soriano. As early as 1971 ay nag-aartista na siya kaya nga kung susumahin ay 50 years na siya sa showbiz. Hindi pa naimbento noon ang salitang teleserye o telenovela, nasa telebisyon na si Maricel Soriano at nag-reyna na sa pamamagitan ng long-running comedy show noon na John En Marsha kasama ang mga yumaong Dolphy at Nida Blanca. "Kaluskos Musmos", "Kuskos Balungos", at iba pa. Matagal na sa industriya si Maricel Soriano. As early as 1971 ay nag-aartista na siya kaya nga kung susumahin ay 50 years na siya sa showbiz. Hindi pa naimbento noon ang salitang teleserye o telenovela, nasa telebisyon na si Maricel Soriano at nag-reyna na sa pamamagitan ng long-running comedy show noon na John En Marsha kasama ang mga yumaong Dolphy at Nida Blanca. "Kaluskos Musmos", "Kuskos Balungos", at iba pa. Kaya nang malaman niya na siya ang gagawaran ng PMPC ng Lifetime Achievement Award for TV dahil nga sa kanyang naging kontribusyon, noong una ay medyo napatanong siya kung puwede na nga ba siyang bigyan ng Lifetime Achievement Award dahil bata pa naman siya pero kalaunan ay naisip-isip din niya na malaki rin naman ang kanyang naiambag sa telebisyon.
Ang huli niyang tv show ay ang "Ang Dalawang Mrs. Real". Nawala na ang agam-agam ni Maria at napalitan ito ng sobrang excitement. In fact, kumuha pa siya ng isang kuwarto sa Novotel at doon muna nag-stay at doon nagpa-make-up. Sa Novotel kasi ginanap ang awards night noong Linggo ng gabi. Kadalasan, ang Lifetime Achievement Category ay sa bandang dulo na. Medyo naiinip na nga raw si Maricel sa kanyang kinuhang kuwarto at panay ang tanong kung kailan siya bababa sa venue na ilang hakbang lang mula sa kanyang kinaroroonan. Nang ipatawag na si Maricel at papunta na ito sa stage ay dumaan ito sa harapan namin sa reception area. Napakaganda pa rin ni Maricel sa suot nitong itim na gown, medyo wavy ang hair at ang make-up ay tamang-tama lang, hindi makapal at hindi sobra. Habang naglalakad ay kumakaway siya sa mga taong kanyang nadadaanan. Hanggang sa tinawag ang kanyang pangalan at tanggapin niya ang tropeyo at bulaklak mula sa presidente at past presidents ng PMPC. Kitang-kita sa audience ang kanilang kagalakan na si Maricel ang nabigyan ng ganung parangal at maligaya sila dahil muli nilang nakita si Maricel in person. Congratulations, Maricel! Nawa’y ang natanggap mong pagkilala mula sa PMPC ay magsilbing gabay upang muling kuminang ang ‘Diamante’ na hawak-hawak mo pa rin at tila naghihintay lang ng tamang panahon para muli mong ilabas ang kinang nito. Very deserving si Maricel sa Lifetime Achievement Award na ipinagkatiwala sa kanya ng PMPC. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|