LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Kumpirmadong sa Amerika manganganak si Mariel Rodriguez sa baby girl na isisilang niya na papangalanang Maria Isabella Padilla. Ayon kay Mariel kung siya ang masusunod mas gusto niyang dito na lang sa bansa natin siya magsilang pero dahil sa maselan niyang kalagayan ay mangangailangan siya ng mas dalubhasang doctor upang makatiyak sa condition nilang mag ina. Kung ilang beses nang nalaglagan si Mariel at this time ay dobleng pag iingat ang ginagawa ng aktres kaya ngayong buwan na ito ng September ay nakatakda na siyang magtungo sa Amerika upang dun ay ganap na makapaghinga at maihanda ang sarili sa pagsilang.
Kamakailan ay nagdaos ng baby shower si Mariel kasama ang ilang piling kaibigan sa showbiz world na kinabibilangan nina Vina Morales, Toni Gonzaga, ang magkapatid na Jasmine at Anne Curtis at siyempre pa ang halos lahat ng pamilya ni Robin na all support sa kanya. Sa November nakatakdang isilang ni Mariel si Maria Isabella at hindi tiyak ng aktres kung normal o caesarian ang panganganak niya. Sana normal para mas masaya. Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|