Pinangunahan ni Harlene ang pagdarasal sa namayapang movie press na si Ruben Marasigan (kasamahan namin sa PMPC kungsaan ang kanyang mga labi ay nakalagak ngayon sa Pilak St., Aguargente, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City at noong Sabado ay iniuwi ang kanyang mga labi sa Barangay Butong, Taal, Batangas.
Nabanggit ni Harlene na bago mag-election ban ay ipapalabas ang pelikulang pinagsasamahan nina Mayor Herbert at Maricel Soriano, ang "Lumayo Ka Nga Sa Akin" kasama si Cristine Reyes.
Bongga ang naturang pelikula dahil tatlo ang direktor nito, sina Direk Andoy Ranay, Direk Mark Meily at Direk Cris Martinez.
Nabanggit din ni Harlene na tatakbong konsehal ang Kuya Hero niya sa 4th District ng Quezon City.
Tuwang-tuwa ang magkakapatid dahil muli nilang nakita ang mga press people na tumulong sa kanila noong araw na nag-aartista pa sila.

May nagbiro pa nga na baka kaya sina Hero at Harlene ang ipinadala ni Mayor Bistek ay dahil iniiwasan niyang matanong tungkol kay Kris Aquino lalo na ang biglang pagkawala niya sa MMFF entry nilang dalawa as planned.
Anyway, hindi nakarating si Mayor Bistek dahil marami siyang trabaho sa araw na iyon na kailangan niyang puntahan personally.
Naiintindihan naman siya ng press at sa presensiya nina Hero at Harlene ay parang siya na rin ang nakatsikahan at nakapiling ng birthday celebrants.
Anyway, maraming salamat Mayor Bistek at talagang hindi ka nakakalimot sa aming mga birthdays.
Ilang taon mo nang ginagawa ito sa amin and we really appreciate it.