LIKE OUR FACEBOOK PAGE
SA Friday episode ng ABS-CBN’s morning talk show Magandang Buhay kung saan live nating napanood ang ating favorite “momshies” na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, and Jolina Magdangal ay talaga namang napaiyak din kami nang mapanood namin ang mag-asawang Jason Francisco at Melai na parehong teary eyed at maging sina Karla at Jolina ay hindi rin napigilang maiyak na sabi nga nila ay tears of joy dahil finally ay napagtagumpayan ng mag-asawa na maayos ang kanilang pagsasama. Aminado si Melai na talagang pinagpursigihan nilang mag-asawa at pinush nang husto na ayusin at pag-usapan ang kung anumang problemang pinagdaanan nila na luckily ay napagtagumpayan nila.
Kasabay nang muling pagkabuo ng kanilang pagsasama ang pagdating ng isa na namang blessing dahil inanunsiyo ni Melai that she is 10 weeks pregnant or 2 1/2 months preggy kaya magiging ate na na si Mela. Hindi nakapagsalita si Jason na pulang-pula na at nangingilid na ang mga luha sa kanyang mata pero makikita mo sa kanyang mukha na masaya siya at finally ay buo na muli ang samahan nila ni Melai at may bonus pa dahil magiging Daddy na ulit siya. Isa iyon sa best episode ever ng Magandang Buhay dahil isang pamilya ang muling nabuo. Ni Lourdes Fabian LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|