LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Sa mga sandaling ito ay sinisimulan na ang taping ng programang Encantadia pero may nakarating sa aming balita na nahihirapan ang director sa mga bagong cast ng nasabing pantaserye dahil karamihan daw sa mga ito ay hindi ganun kahusay ang acting. “Kailangan kasi maging kapani-paniwala ang acting nila kasi pantaserye nga ito. Isang kuwentong hindi totoo pero kailangang maging makatotohanan,” sabi ng aming mahaderang kaibigan. Ayon sa aming source, dalawa sa main cast (Danaya, Amihan, Alena, Pirena) ang hindi daw maka acting nang tama para sa kanilang role, unlike noong sina Iza Calzado (as Amihan), Sunshine Dizon (as Pirena), Karylle (as Alena), at Diana Zubiri (as Danaya) pa ang bida sa nasabing programa. Bukod sa main cast ay nagkaroon din daw ng problema financially ang nasabing programa na kung saan ay maliit lang ang budget na ibinigay dito kung ikukumpara sa original na Encantadia na siyang dahilan kung bakit hindi ganun kapabolosa ang costumes at location ng nasabing programa.
“Maganda ang unang Encantadia pero parang hindi maaabot ang expectation ng mga tao kasi nga kulang na kulang ang budget na ibinigay ng GMA,” sabi ng aming source. Well…well...well! Isa po kami sa nag aabang ng Encantadia dahil isa po kami sa naaliw at nabaliw sa pantaseryeng itong noong mga panahong sina Iza, Diana, Karylle at Sunshine pa ang mga bida. Huh! Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|