LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Timmy Basil Maganda ang response ng audience sa first week episode ng teleseryeng "The Story Of Us” na kinunan sa Palawan, pero sa darating na mga gabi, mas lalong magiging exciting ang mga eksena kungsaan sa New York naman kinunan. Hindi lang basta pampakilig ang The Story Of Us. Mayroon itong advocacy. Sa susunod na mga episodes, mayroon silang ipapakita na mga interviews ng mga OFWs natin sa America kungsaan ibabahagi nila ang kanilang mga karanasan doon. Mga malulungkot na karanasan dulot ng pagkawalay sa pamilya, ang uri ng trabahong kinasasadlakan sa America, at kung anu-ano pa. Relate na relate ang mga OFWs sa istorya ng The Story Of Us pati sa mga interviews na naaangkop naman sa mga eksenang tinatakbo ng nasabing teleserye.
Samantala, pinilit ng press na magsalita na sina Kim at Xian sa kanilang "relasyon" pero walang kongkretong sagot si Xian. Basta ang paulit-ulit niyang sinasabi, mahal na mahal niya si Kim pero di diretsahang sinabi kung sila na nga. Si Xian din mismo ang nagsabi na since My Binondo Girl ay magkalapit na ang loob nila ni Kim, so kung tutuusin, parang 5 years na sila hehehehe. Pero nirerespeto namin si Xian at si Kim. Kahit naman walang aminan na sila na nga, the mere fact na sinabi na ni Xian na mahal na mahal niya si Kim, ‘matik na yun di ba? Sa taping nila sa US for 12 days, nasa iisang bahay sila tumira kasama si Zsa Zsa Padilla. Nakasama rin pala sa taping ang Munoz Brothers na sina Leandro at yung kapatid niyang lalaki at si Beth Tamayo. Sa presscon ng The Story Of Us, natanong si Zsa Zsa Padilla kung totoo bang magpapakasal na sila ni Architect Conrad Onglao this year. Umoo si Zsa Zsa at ipinakita niya ang kanyang engagement ring. May nagtanong kung totoo bang sa Florence, Italy sila ikakasal pero dinenay ito ni Zsa Zsa. Siya raw mismo ang punong-abala sa kanilang kasal although ayaw pa niyang magbigay ng detalye. Magiging intimate lang din ang kanilang kasal. Gusto ni Zsa Zsa na ang present lang ay ang kanyang mga anak at ang mga anak ni Conrad sa una. Ganun ka-simple. Samantala, naka-2 years na pala ang relasyon ng dalawa at sa US nila sinelebreyt ito. Naunang pumunta ng US si Zsa Zsa dahil may mga eksena siya roon para sa teleseryeng The Story Of Us kasama ang mga bidang sina Kim Chiu at Xian Lim. Natanong si Zsa Zsa kung sweet ba sina Kim at Xian sa US pero walang maisagot si Zsa Zsa dahil hindi raw open sina Kim at Xian. Habang hinihintay ni Zsa Zsa ang pagdating ni Conrad sa US, labis siyang naiinip. Alas-tres pa lang ay nagigising na siya. Nagluluto na siya. Pinagluluto na niya ang mga artista at staff ng The Story Of Us. Pagkatapos naman niyang magluto ay naglilinis naman siya ng bahay. Kaya nang dumating si Conrad, nawala na ang boredom ng Divine Diva. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|