LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Favatinni San AMININ, sikat talaga si Ejay Falcon. Ang dating promdi na taga Mindoro ay naging big winner ng Pinoy Big Brother na nagdala sa kanya para makamtam ang tunay na masayang buhay. Suwerteng nadiskubre siya ni Benjie Alipio, Jr., sikat na hairdresser/make-up artist. Matagal na naming kilala ang kanyang talent discoverer na taga Dapitan, Sampaloc, Manila. Hindi nga niya maiwasan na magbalik tanaw kung paano niya nakilala si Ejay. Kagagaling lang ni Benjie sa matagumpay na mini-sports fest sa bayang sinilangan ni Ejay sa Mindoro kung saan taun taon siyang nagse-share ng blessings at nagbibigay saya sa kanyang mga kababayan.
"Mabait na alaga si Ejay, isang huwarang anak at kita naman, masinop din siya sa pera at kinse anyos pa lang siya ay natutukan ko siya. "Hindi ko rin pinakikialaman ang lovelife niya, 'yun ang payo sa akin ni tito Douglas (RIP, sikat na talent manager) kaya maayos ang aming samahan.” Samantala, nag post si Ejay sa Instagram account niya ng photo kasama si Jana Roxas habang nagbabakasyon sila. Si Jana ay isang Starstruck alumna. Sa larawan makikitang magka-holding hands sila while walking around the popular Shinjuku ward of Tokyo, Japan. Sa caption, he simply wrote, "Finally," followed by a heart symbol. In another post the two can be seen in a Japanese theme park Tokyo DisneySea. Well, tila nahanap na ni Ejay ang Miss Right sa buhay niya! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|