LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Biglang nagtaasan ang kilay ng maraming kaibigan sa movie industry matapos ma-appoint bilang board member si Mocha Uson (Margaux Uson) ng MTRCB (Movie & Television Review & Classification Board). Unang nakilala si Mocha kasama ang kanyang Mocha Girls sa mga sexy shows na kung saan ay nakikipaghalikan ito hindi lang sa mga lalaking uhaw sa kamunduhan kundi maging sa kapwa nila babae. Ayon sa nakararaming taga-showbiz ay wala umanong karapatang maging board member ng MTRCB si Mocha dahil sa mga kalaswaan nitong ginagawa bago pa maging kaanib ni Pangulong Duterte. Ang pagkaka-appoint kay Mocha bilang bagong board member ay ikinumpirma ni Secretary Salvador Medialdea na kung saan ay pirmado ito ni Pangulong Duterte. Bagama’t hindi pa naipapagtanggol ni Mocha ang sarili sa akusasyong wala itong karapatang maging board member ng MTRCB, para sa kaalaman ng lahat si Mocha ay graduate ng University of Santo Tomas sa kursong medical technology. Siya rin ang naging ambassador ng nakaraang Metro Manila Film Festival.
Honestly, nahuhusgahan ngayon si Mocha dahil sa ginagawa niyang show noon na sa aminin man niya o hindi ay may bahid kalaswaan pero hindi naman siguro iyon ang basehan para sabihing wala siyang karapatang humawak ng anumang posisyon sa ating administrasyon lalo pa kung taus sa puso naman nitong gagawin ang mga trabaho sa posisyong ipinagkakatiwala ngayon ng ating pangulo. Sa kabilang banda ay bilib naman si Senate Majority Leader Vicente Sotto sa pagkakahirang kay Mocha bilang bagong board member ng MTRCB. Ayon kay Senator Sotto, very good ang pagkakapili kay Uson dahil mayroon umanong common sense ang aktres at alam nito ang pulso ng publiko. Nang tanungin si Senator Sotto kung sa palagay niya ay qualified si Mocha sa bagong posisyon ay agad sinabi nito na, “Yes, definitely.” Inilarawan naman ni Presidential Communications Office Head na si Sec. Martin Andanar na isa sa biggest artist ng bansa si Mocha kaya nararapat lang itong humawak ng posisyon sa kasalukuyang administrayon. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|