LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Veronica Samio Matapos ang ilang araw na pagbibida sa social media, na-realize na marahil ni Nadine Lustre ang malaking pagkakamali na ginawa niya sa pag amin ng pakikipag-live-in kay James Reid. Inakala kasi niya na dahil sa milenya na at makabago na ang panahon kung kaya tanggap na ng mga Pinoy ang live-in arrangement. Hindi pala! Kinondena ng lahat ang pagsasama nila sa iisang bubong ng ka-loveteam niya. Kung nagagawa man ito ng mas maraming mas nakakabata sa kanila ni James ay hindi rin nila pinapayagan pero, wala lang silang magawa dahil buhay nila yun at wala naman silang inaamin. Iba ang sitwasyon niya, nila ni James, dahil mga sikat na artista sila at ginagawang ehemplo ng maraming humahanga at umiidolo sa kanila. Sana ay hindi na lang siya umamin at baka nakalusot pa siya pero, ang inaakala nilang may pagmamalaki pang pag amin niya ng pakikipag-live-in kay James ay isang maling hakbang na matagal pa siguro bago matanggap ng lahat.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|