LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Sobrang sama ng loob ni Neri Naig matapos na muli siyang i-bash matapos na i-post niya ang larawan ng kanilang anak ni Chito Miranda na si baby Alfonso. “Kawawa ka naman. Gumawa ka pa ng account para lang mang ganyan? Sarap mong murahin nang napakalutong kaso wag na lang kase halatang insecure ka lang at bitter sa buhay. Kainggit inggit ba talaga ang buhay ko at galit ka?” Nasabi ni Neri ang linyang iyon matapos na i-post ng isang basher ang ganitong linya: “Lahat ng kasabayan mo umanak na ah! 12 mos na ata yan sa tiyan mo. Buhay pa kaya yan? @mrs nerimiranda Oa mo kasi at mukhang pera. Alamin mo muna kung may buhay pa yan oi!”
Ayon kay Neri, ok lang daw sana kung siya na lang ang tira-tirahin at pagsalitaan ng mga bagay na hindi maganda huwag lang idadawit ang sanggol sa kanyang sinapupunan na wala pa namang kaalam-alam sa mga nangyayari sa mundo. Bagama’t galit na galit si Neri ay sinabi nitong hindi na lang niya papatulan kung sino man yung nagsalitang iyon dahil una at higit sa lahat ay masaya daw siya sa kanyang buhay kaya’t bakit magpapaapekto siya sa mga taong walang ginawa kundi ang manakit ng kapwa. Tamaaaa!! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|