LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Personal na pinuntahan ng Showbiz Sosyal ang bahay ni Blakdyak nang mapabalitang natagpuan itong patay sa kanyang inuupahang condo sa may Sampaloc, Manila. Nakita namin si Blakdyak na nakabulagta sa may kaliitan nitong kuwarto. Nasilip namin sa bintanang may screen na bukod sa hubo’t hubad ay may nakasaklob itong plastic sa ulo. "Ako po ang kasama ng tatay ko sa room. Nagtaka ako kasi hapon na pero hindi pa rin siya lumalabas ng bahay. Kaya ang ginawa ko ay sinilip ko siya dun sa may bintana kaya nagulat ako at hindi ako makapaniwala sa nakita ko, nakahubad po siya tapos may plastik sa ulo,” ani Toby, anak ng singer. Akala daw ni Toby na baka nagbibiro lang ang ama niya dahil likas itong joker pero nung makita raw ni Toby sa ganung anyo ang ama ay nakaramdam siya ng kakaibang takot. "Sabi ko, hindi nagbibiro si daddy. Parang hindi siya humihinga." Kaya agad daw na humingi ng saklolo ang bata sa kanilang barangay chairman.
"Imposibleng nagpakamatay siya. Hindi niya gagawin iyon dahil kilala ko si Joey, hindi niya gagawin yun," umiiyak na sabi naman ni Twinkle, ang asawa ni Blakdyak (Joey Formoran in real life). Sa pagkukuwento ni Twinkle, may usapan sila nung gabing natagpuang patay si Blakdyak na bibigyan siya nito ng 5,000 pesos. "May gig siya ngayon at bibigyan daw niya ako ng pera kasi nga may pera siyang 35,000 sa wallet niya.” Hanggang sa sinusulat namin ang kolum na ito ay hindi pa rin lumalabas ang resulta ng medico legal ni Blakdyak sa kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang kamatayan. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|