LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio
Nagluksa ang showbizlandia sa pagyao ng komedyanteng si Elizabeth Ramsay matapos na ito ay bawian ng buhay noong October 8 habang natutulog.
83-years old na si Elizabeth at marami na itong napatunayan sa showbiz world na kahit hindi man siya aktibo bago ito yumao ay hindi pa rin malilimutan ang galing niya sa pag papatawa at pag awit na kung saan siya ang itinuring na Queen of Rock and Roll. ![]()
Sa St. Peter sa Commonwealth Avenue nakalagak ang mga labi ng respetadong bituin na si Miss Elizabeth at tiyak na dadagsain ito ng maraming kaibigan particular na ang mga nakasama niya sa pelikula noon na sina Susan Roces, Amalia Fuentes, German Moreno at siyempre ang mga friends ni Jaya na anak ni tita Elizabeth.
Aminado si Jaya na hindi ganun kadali ang pinagdadaanan ngayon ng kanilang pamilya lalo pa at naging mabuting ina at lola si Elizabeth ng kanyang angkan. Pero sa kabila noon ay may pagmamalaki sa puso ang mga naulila ni tita Elizabeth dahil mula noon hanggang ngayon ay walang nakaaway si tita Elizabeth sa showbiz world. Isa siya sa very rare na showbiz personality na kailanman ay mahirap pantayan ang pagiging mabuting tao nito at pagiging propesyunal. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|