LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Favatinni San MALAKING karangalan ang napagwagiang best actor award ni Paolo Ballesteros sa 29th Tokyo International Film Festival para sa pelikulang, "Die Beautiful". Ka-level na niya sina Nora Aunor at Jaclyn Jose. Ginulat niya ang lahat sa Japan nang rumampa siya sa red carpet na ala-Angelina Jolie at sa gabi ng parangal naman sa TIFF ay nag-ayos siya bilang si Julia Roberts. Kilala talaga siyang magaling sa make-up transformation at napapanood natin siya sa kanyang hosting job sa Eat Bulaga kunsaan kapag may big production number sa EB ay marami ang napapahanga sa kanyang talento. Sa pag-arte, di lang basta gay role ang panama ni Paolo na nagpapatawa o may lengguwaheng pang-kalye na nakakatawa. Di rin siya gumagawa ng kabastusan sa kanyang pelikula at sa anumang performances. Opps, para sa inyong kaalaman, produkto ng Mister Pogi si Paolo. At dahil may sarili siyang style sa pagpapatawa, di sila nagsasapawan nina Wally (Lola Nidora) at Jose Manalo (Lola Tinidora). Masaya ang mga avid viewers ng EB at mga fans niya dahil napapanood na siyang muli sa "Juan for All, All for Juan, Bayanihan of D;Pipol, kaya't kumpleto ang mga Lolas sa pagbibigay ng cash papremyo sa matatawagan ni Bossing Vic sa barangay na kanilang sinugod ng swerte. Teka, pak na pak ang nakatanggap ng Christmas gifts sa EB dahil tinugunan ng show ang mga kahilingan ng kanilang suking viewers at nasa loob ng studio.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|