Inamin ni Paolo na totoong madalas silang magkasama ni LJ pero hindi kasama sa pag aming iyon ng aktor kung totoong sila na dahil obvious na umiiwas ito nang simulan naming maitanong ang tungkol kay LJ.
"Hahahahahaha, no comment tayo diyan. Ayokong pag usapan yan." Yun lang ang matipid na sabi ng binata na kamakailan ay nakipaghiwalay na sa babaeng pinakasalan na ang latest na tsika ay si LJ ang tunay na dahilan.