LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Mylene Santos Kinumpirma mismo ni Coleen Garcia na hindi na siya kabilang sa mga hosts ng noontime show na It's Showtime. Aniya, kinausap siya ng management ng Dos na mag-concentrate sa acting career nito kabilang na ang seryeng Pasion de Amor at ang gagawin nitong pelikula kasama sina Piolo Pascual at Dawn Zulueta. Pero may balitang di na kinaya ng production ng It's Showtime ang pagiging 'unprofessional' diumano ni Coleen. Kahit daw hindi ito payagan na magbakasyon ay sige lang si Coleen sa paglisan sa show patungo sa kung saan mang destinasyon niya gustong magbakasyon. Di rin daw niya sinusunod ang ipinangako niyang petsa ng pagbabalik mula sa bakasyon.
Hmmm, totoo nga kaya ito? Bukas ang Showbiz Sosyal para pakinggan at bigyan ng espasyo ang side ni Coleen. On the other hand, nawala man kay Coleen ang noontime show ay may maganda namang kapalit na proyektong pelikula with Piolo at Dawn. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|