LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Glen Sibonga Nilinaw ni Paulo Avelino na wala siyang balak maging sagabal sa pagiging magkaibigan o sa kung anumang relasyon mayroon sa totoong buhay sina James Reid at Nadine Lustre. Papasok kasi ang karakter ni Paulo na si Simon sa toprating Kapamilya primetime teleseryeng pinagbibidahan nina James at Nadine, ang On The Wings Of Love, na produced ng Dreamscape Entertainment Television. Si Simon ay isang advertising executive at magiging boss ni Leah, na ginagampanan naman ni Nadine. Bukod kay Jigs (Albie Casino), si Simon ang isa pang yayanig sa relasyon nina Leah at Clark (James). Natanong kasi si Paulo kung dapat bang ma-threat si James sa kanya, at ang sagot niya, “Well, mas threat kina Clark at Leah bilang characters sa show. Alam naman natin na they’re good friends (in real life). Hindi naman ako nandoon para sirain ang pagkakaibigan nila.” Malaking karangalan para kay Paulo na maging bahagi ng On The Wings Of Love. “I’m honored to be part of this toprating show. I’m happy to be part of the cast,” ani Paulo. Natutuwa rin si Paulo na makakatrabaho niya ang OTWOL stars na sina James at Nadine, na isa sa top loveteams sa showbiz ngayon at kilala sa tawag na JaDine. “Working with the loveteam I’m really excited. Excited ako sa maibibigay kong bago sa show at hindi totally para manggulo pero mayanig at palakasin pa lalo yung samahan nina Clark at Leah.” Ano ang alam niya sa JaDine bago pa siya pumasok sa OTWOL? “The tandem, ang lakas. They’re known kasi they are all over social media, nagte-trend sa Twitter, not just them as a loveteam but also because of the show na lagi ring nagte-trend.” Nakikita niya bang magiging kaibigan niya ang dalawa? “Most probably dahil lahat naman ng nakakatrabaho ko, usually after the show we all end up as good friends or parang family na rin. Feeling ko magiging close ako sa dalawang ito. Hindi lang sa dalawang ito kundi sa buong cast ng OTWOL.”
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|