LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio May nakapagbulong sa amin na itong PBA star player na si Terrence Romeo ay sobra raw ngayon kung maningil ng kanyang talent fee sa mga guestings. Ang kuwento, minsan daw ay kinausap si Terrence ng isang staff ng isang kilalang programa sa telebisyon. “15,000 pesos? College days ko pa ang ganung talent fee…” Iyon diumano ang linya ni Terrence habang kausap ang makulit na staff. Tipong nagulat daw dahil naliliitan ito sa talent fee na ino-offer sa kanya ng isang TV network para sa ilang minutong guesting.
Natural napag-utusan kaya itong si staff, yung 15 thousand pesos na talent fee ang ini-insist kay Terrence kaya ang sabi ng binata ay tawagan na lang siya muli dahil may gagawin siya that time. Nung sumunod na araw ay tumawag na naman si staff at agad na sinabi ni Terrence na sorry daw dahil mag a-abroad siya at hindi siya puwede sa oras at araw na sinasabing schedule ng guesting niya. Naloka ang programang nag i-invite kay Terrence dahil hindi nila sukat akalain na ganun na pala kalaki ngayon ang talent fee ng binata. Totoo kayang 120,000 pesos ang asking price ni Terrence sa kanyang mga TV guestings? LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|