LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Noel Asinas MULI na namang magbabalik-Pilipinas ang reigning Miss Universe Pia Wurtzbach sa Abril. Ipina-book agad ito ng kanyang manager na si Jonas Gaffud sa Miss Universe organizer para maka-attend si Pia sa coronation night ng bagong Bb. Pilipinas-Universe next month. Ang maganda nito, may oras na si Pia para magbalik-Cagayan de Oro City. Dito sa siyudad na ito sa Mindanao lumaki si Pia. Teenager na si Pia noong nagpunta ito sa Maynila.
Ngayon pa lang ay maraming kababayan ni Pia sa CDO ang nag-aabang na sa kanyang homecoming sa bayang kinamulatan at kinalakihan. Sa first homecoming sa bansa buhat nang maging Miss Universe, di nakapunta si Pia sa CDO dahil hectic ang schedule niya. Naging priority ni Pia noon ang pagiging bridesmaid sa best friend nitong si Pauleen Luna, nang ikinasal ito kay Bossing Vic Sotto. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|