Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


PIOLO, BINIGYAN NG TRABAHO ANG MGA KAPATID

12/5/2017

Comments

 
Ni Timmy Basil
​​ANG bait-bait pala talaga nitong si Piolo Pascual. Alam nyo ba na lahat ng kanyang mga kapatid ay binigyan niya ng mga trabaho. Lahat ng kanyang mga kapatid ay humahawak ng posisyon sa kanyang mga itinayong negosyo na mukhang parami na nang parami. 
Ayon pa kay Piolo, hands on siya sa kanyang mga negosyong pinapasukan. Kahit na sobrang busy niya sa showbiz, sinisigurado niya na natututukan niya ang mga ito kahit na pinapatakbo ito ng kanyang mga kapatid.
Sa ngayon ay tutok si Piolo at ang mga kapatid nito sa kanilang real estate business. Yes, mayroong real estate business si Piolo at alam nyo naman na napaka-lucrative ng business na ito. Kapag sinuwerte ka, yayaman ka talaga nang todo.
Picture
Ang iba namang mga kapatid ni Piolo ay sa water refilling station naka-assign. Ang iba naman ay sa kanyang sariling production outfit (Spring Films).
Speaking of water, si Piolo ang bagong endorser ng Living Water na nagse-celebrate ngayon ng kanilang ika-13th anniversary. 
Ginanap ang contract signing/presscon sa Crowne Plaza Hotel at dumalo ang mga nag-franchise na nito na umabot na ng almost 5,000 branches nationwide at mayroon na ring Living Water sa ilang bansa sa Asya. 
Ang mag-asawang Belle at Edward Prades ang may-ari ng Living Water na kilala bilang pinakamalinis na tubig-inumin ngayon sa ating bansa.
Napakalakas ng demand sa tubig worldwide dahil hindi na nga safe inumin ang mga tubig natin ngayon di gaya noong araw, at isa ang Living Water sa may pinakamalinis na mineral water/alkaline water in the market today. 
Nabanggit ko na may sariling water refilling business si Piolo. May ilang branches na rin si Piolo pero ang iba nalugi daw kaya ngayon buo na ang loob ni Piolo na baguhin na ang name ng kanyang business at mag-franchise na sa Living Water.
Bongga ang nabanggit na contract signing/presscon dahil kumanta ng isang kanta si Piolo at ang galing-galing ng bokaslita ng Philippine Philharmonic Orchestra. Hindi rin nabagot ang audience (na puro franchisees ng Living Water) dahil sa mga patawa ng host na si Tart Carlos kasama ang isang gay host. 
Maraming salamat din sa pag-imbita ng kaklase ko sa PUP na si Direk Blessa Escuadro at Direk Jun Zarate na nagsilbing mga direktor sa contract signing/presscon ni Piolo Pascual.
Nagkaroon din ng pa-raffle at ngayong ika-13th anniversary nila, magbibigay sila ng libreng franchise. Naku, kung hindi lang ako busy sa showbiz, parang gusto ko ring mag-franchise ng Living Water dahil ang tao, puwedeng mabuhay ng 3 araw na walang kain-kain basta may tubig lamang. Pero kapag walang tubig, tigok ang tao kapag di siya nakakainom ng tubig sa loob ng 3 araw.
Napakahalaga talaga ng tubig, ika nga, water is life!
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved