LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Handang handa na ang bagong programa ni Kris Aquino na nakatakdang itanghal sa GMA na isang travel special pero ang time slot ay sa gabi mapapanood. Ayon sa aming source, tapos na raw ang ilang bahagi ng pilot episode ng bagong show ni Kris. Bale ang inaantabayanan na lang ngayon ay kung kailan ito maipapalabas. “Ang dinig ko ay posibleng isabay ito sa anniversary ng show ni Vice Ganda,” kwento ng aming nakausap. Kung paniniwalaan ang tsika, kakaibang show umano itong pinaghahandaan ni Kris na tiyak daw na maiibigan ng mga manonood dahil bukod sa maganda na ang show ay marami pa rin daw matutulungan ito. “Isa itong travel show na parang may pagka-public service, ganun.”
Samantala, bukod sa bagong show sa GMA ay nakatakdang gumawa ng movie si Kris na posibleng itanghal sa darating na Metro Manila Film Festival. “Ang dinig ko, isang Coco Martin-Kris Aquino itong gagawin niya under Star Cinema.” Pero ang tanong, taglay pa kaya ni Kris ang karisma kunsaan dati siyang nakilala? Usap usapan kasi na hindi na ganun ka-sikat si Kris na tulad noong mga panahong nakaupo sa puwesto ang kanyang kuya na si dating Pangulong Noynoy Aquino. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|