LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Grabe, daig pa ang malakas na lindol nang aminin ni Ronnie Dayan ang naging relasyon nila ni Senator Leila de Lima matapos na dinggin sa Congress ang isyung illegal drug trade sa New Bilibid Prison. Siksik at liglig ang mga kuwentong baon ni Ronnie sa kung paano nagsimula at tumakbo ang relasyon nila ng senadora nang halos limang taon. Sa pagkukuwento ni Ronnie, dumating pa sa puntong nasampal daw niya ang senadora dahil feeling niya ay “inuubos” silang mga guard na naging karelasyon ng kanilang amo dahil maging si Warren Cristobal na isa ring guwardiya ay nabalitaan diumanong karelasyon din ni de Lima.
May “kilig” ang litany ni Ronnie nang sabihin niya na ang kanilang pagmamahalan ng senadora ay mahahalintulad sa bagyo at dumating daw sa signal number 5 ang kanilang pagmamahalan. Ang hearing na naganap sa Kongreso ay nagmistulang kasalan na may bahid pagtatapat sa tunay na kulay ng pagmamahalang Senator Leila de Lima at Ronnie Dayan at dahil dito ay agad na may nagsabi at sumang-ayon na magandang gawing pelikula ang bawal na pagmamahalan nina De Lima at Dayan. Sina Dawn Zulueta, Rosanna Roces, Cherry Pie Picache, Kris Aquino at Vilma Santos ang ilan lang sa mga aktres na sinasabing bagay na gumanap na Leila de Lima habang sina Jericho Rosales, Martin Nievera, Mark Anthony Fernandez at Derek Ramsay ang bagay daw na gumanap bilang Ronnie Dayan. Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay nakausap namin ang isa sa mga ‘angel’ ni Mother Lily Monteverde at di daw malayong magustuhan ni Mother na isapelikula ang buhay at pagmamahalan nina Senator de Lima at Ronnie Dayan. Tanong, sino sa mga artista ang sa palagay niyo ang babagay sa role na Senator Leila de Lima at Ronnie Dayan kung ang kanilang relasyon ay isasapelikula? LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|