LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Afraid ako sa blind item na ito, pero sige, i-go natin. Itong kilalang news anchor/celebrity na isa ring well respected journalist ay nakipag-brain storm sa kanyang staff. Habang on going ang meeting ay may dumating na fastfood chain crew dala ang isang bilaong pansit at isang kahong special na puto.
Natuwa daw ang buong staff nang makitang may dumating na meryenda, natural mabubusog daw sila. Pero bigla silang naloka nang sabihin ni anchorwoman na dalhin sa kanyang room ang food. Ang pansit at puto special ay regalo ng isang kilalang tao kay anchorwoman. Heto na, natapos ang meeting at pumasok na rin si anchorwoman sa kanyang room at ilang sandali pa ay pinatawag nito ang isang janitor. Nagulat daw ang mga staff ni anchorwoman dahil nakita nilang inilalabas ni janitor ang bilaong wala nang laman at karton na pinaglagyan ng puto. Kinain daw lahat ni celebrity host! Nagtawanan nang palihim ang mga nakakita at napangiwi na lang sila nang didighay-dighay pang lumabas ng kanyang room ang bossing nila. Well, kilala ba ninyo kung sino ang bida sa ating blind item? Kung ano ang niliit liit ng bewang nito ay siya naman palang tinakaw takaw nito. Huh! Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|