LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni John Fontanilla Sa edad na 27 daw ay gusto ni Lola Linda Peralta, 80-years old na lola ni Alden Richards, na mag asawa na ang kanyang Pambansang Bae na apo. Tsika nga ni Lola Linda, “Kailangan pag twenty-seven na siya, mag-asawa na siya.” Gusto nga daw nito na makita pa ang magiging apo sa Pambansang Bae bago tuluyang lisanin ang mundo. “Eh, pano kung mamatay na ako? Hindi ko na makikita yung apo ko sa kanya. “Kung trenta y singko siya mag-aasawa, palagay mo mabubuhay pa ako?
"Abutin pa ba ako ng nobenta? Naku po, patawarin po!” At ang babae nga daw na gusto ni lola na mapangasawa ni Alden ay ‘simple lang’. "Kasi ‘yung ganda, madaling magpaganda. Sa ngayon, walang pangit na babae. "Lahat gumaganda, e, pero ‘yung puso mo at ‘yung mind mo, mahirap baguhin ‘yun. “Beauty is only skin-deep, ika nga. Pag maligaya ka, naggo-glow ‘yung mata mo,” pagtatapos ni Lola Linda. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|