LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Usap-usapan nga ngayon ang hit na hit na afternoon series ng ABS-CBN na “Pasion de Amor” na kung saan tampok ang mga makikisig na bituin na sina Ejay Falcon at Jake Cuenca. Ani Ejay, napakahusay diumano ni Jake ka-eksena, dahilan para ma-challenge siya sa aktor. ![]() May mga eksena daw na halos gusto ni Ejay na malampasan si Jake pero talaga raw mahirap kabugin ang aktor. Naibahagi rin sa amin ni Ejay na kahit ganun man ay pinagsusumikapan niyang pag aralan ang mga puntos na ibinabahagi ni Jake sa kanya. Hindi raw madamot sa eksena ang aktor, bagkus ay tinutulungan siya nito para gumaling pa siya lalo. “Ibang klase si Jake Cuenca. Sobrang intense talaga ang acting niya at mahirap lagpasan!” pag-amin ng aktor. Malapit nang magtapos ang “Pasion de Amor” kung saan tampok din ang mga aktres na sina Coleen Garcia, Ellen Adarna at Arci Munoz. Habang kontrabida roles naman sina Teresa Loyzaga at Wendell Ramos. Hindi naman malulungkot ang mga tagahanga ni Ejay sa napipintong pagtatapos ng “Pasion de Amor” dahil tiyak marami na siyang oras para maging mas visible sa mga iba’t ibang engagements in and out of Metro Manila. Di naman pwedeng mawala ang kanyang commitment sa mga kababayan niya sa Mindoro, kunsaan regular na nag-o-organisa si Ejay ng mga sports activities for the youth. At siyempre pa ang kanyang natanguang engagements bilang celebrity endorser ng New Placenta for Men. Dahil papalapit na ang mga major regional tourism events and festivies, gaya ng Panagbenga this February sa Baguio City, at mga summer events sa buong Pinas, malamang na masisilayan si Ejay representing New Placenta for Men brand. Watch out for Ejay Falcon after “Pasion de Amor”, aside from out of town appearances, paniguradong di mawawalan ng tv project ang aktor dahil na rin sa naipakita nitong growth sa larangan ng akting. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|