LIKE OUR FACEBOOK PAGE
HANGANG-HANGA ang mga hurado sa mga nag-audition sa Pinoy Boyband Superstar na magsisimula na soon sa Kapamilya Network. Ang guguwapo naman kasi at kung puwede lang na ipasok silang lahat ay puwede talaga. Ang isa sa mga hurado na si Sandara Park ng 2Ne1 ay kinilig sa mga bagets na nag-audition. Ganun din sina Yeng Constantino at Vice Ganda. Ewan ko lang si Aga Muhlach kung kinilig, hahahahaha! Pero ako, kinilig! Kasi nag-stay sa Eurotel sa tapat ng SM North ang mga nag-audition lalo na yung nagmula pa sa malalayong lugar. In fact, nakilala ko pa ang dalawa sa mga nag-audition na galing Cebu at ang masasabi ko, talagang gwapo ang mga ito. Ang isa ay pamangkin pa ni Pilar Pilapil. Meron ding nag-audition na galing sa Batangas at kapatid ng dalawang sikat na aktor. May mga nanggaling din sa defunct na Walang Tulugan. Naku, nakaka-excite naman itong Pinoy Boyband Superstar. Teka, ang tagal nang namalagi sa Korea ni Sandara Park pero parang wala pa siyang naging boyfriend doon. Parang sa Pinoy talaga kinikilig si Sandara. Sayang at may asawa na ang dating na-link sa kanya na si Joseph Bitangcol. Sana sa pag-stay ngayon ni Sandara sa Pinas, may Pinoy na muling magpatibok sa kanyang puso. Anyone? Ni Timmy Basil LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|